Local News

Sen. Binay, Kinontra si DU30 sa Closure ng PCSO Lotto?

Noong gabi ng Hulyo 26, nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba para ipahinto ang lahat ng larong sugal ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) dahil sa malawakang korapsyon sa ahensiya.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang hanay ng kapulisan at kasundaluhan na ipahinto ang lahat ng operasyon ng operasyon ng PCSO lottery.

“I am ordering General Albayalde and the military to stop all these government — government-granted games which involves corruption. Lahat. Massive corruption…. So I repeat I’m ordering the military and the police to stop all gaming. Lotto, STL, Peryahan ng Bayan pati those machines that can be found everywhere which is actually gambling. If I — if I were… If I were to give my sentiment about gambling, mas gusto ko mawala ito lahat,” utos ni Pangulong Duterte sa mga pulis at sundalo.

Ipinaaaresto din ni Pangulong Duterte ang mga hindi tatalima sa direktiba ng pamahalaan.

2 araw matapos ang kautusan ni Pangulong Duterte, pumalo umano sa 21,000 ang naipasaradong lotto outlets ng Philippine National Police (PNP) ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

“The order of the President for the PNP to help the implementation of his declaration that lotto and other PCSO-licensed games as illegal was 100 percent complied in Metro Manila as of 11 p.m. Saturday,” sabi ni National Capital Region Police (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Pero tila hindi pabor si Senadora Nancy Binay sa naging aksyon ng kapulisan. Base sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni Binay na nagsasayang lang daw ng oras ang kapulisan para ipasarado ang mga lotto outlets. Ayon sa senadora, dapat daw ang nanghuhuli ng kriminal ang mga alagad ng batas.

“Stop wasting man hours and resources in closing down lotto outlets… Instead of wasting their time in closing down lotto outlets, bakit di nila pagdiskitahan habulin at hulihin ang mga nasa wanted list nila, o yung mga insidente ng patayan sa Negros?… Mobilizing the police force to quell gambling activities over investigating deaths of unarmed civilians only shows the PNP’s misplaced sense of priority,” boladas ni Binay.

Source: Philstar | Manila Bulletin | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén