Local News

Sen. De Lima, Tinawag na ‘Asong Ulol’ si Presidente Duterte!

Matapos ang binitawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagbanta siyang sususpindihin niya umano ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus at magdedeklara umano siya ng isang revolutionary war sakaling hindi siya tigilan ng kanyang mga kritiko, isang sagot naman ang ibinato ni Senator Leila De Lima ukol dito.

Sa pinakabagong komento ni Senator Leila De Lima patungkol kay Pangulong Duterte, inihalintulad niya sa isang “asong ulol” ang Pangulo na tila nawawala na umano sa kanyang sariling katinuan, mula sa ulat ng DWIZ.

Ayon sa Senadora, ipinagwawalang-bahala na umano ni Pangulong Duterte ang ang Saligang Batas ng Pilipinas, at wala raw umano itong pakialam maliban sa kanyang sarili.

Rebolusyon ng kunsensya raw ang kailangan ayon kay Senator De Lima at hindi madugong rebolusyon.

Ganito ang mababasa sa liham ni Senator Leila De Lima:

“Para na siyang isang asong ulol. Threatening to declare ‘revolutionary war’ (whatever that is) and jail critics. This President does not really care about the constitution and the rule of law. All he cares about is his psychotic self. The kind of revolution that we need, and urgently, is a revolution of conscience, among the enablers, and all others who still cannot see or refuse to see though the moral bankruptcy of this regime.”

Source: DWIZ

Leave a Reply