Local News

Sen. Drilon, Natutulog nga ba sa Gitna ng Live Interview sa CNN Philippines?

Kumakalat ngayon ang isang bahagi ng panayam kay Senador Franklin Drilon sa CNN Philippines kung saan makikita ang mambabatas na nakayuko at tila nakapikit habang kinakausap siya ng host na si Pinky Webb. Hindi pa tiyak kung may tinitignan lang sa lapag o may binabasa lang ang senador sa kanyang cellphone. Mapapansin din na napangiti ang host nang sandaling iyon.

Ang video clip ay ibinahagi ng Facebook page na Mindavote at ngayo’y umabot na sa libo-libo ang inani nitong reaksyon mula sa mga netizens. Sa kasalukuyan ay pumalo na rin sa lagpas isang libo na ang mga nag-share nng naturang video.

Narito po ang reaskyon ng ilan nating kababayan sa nasabing video clip.

“This scene lasted about five seconds and Pinky just smiled when the camera switched to the one that focuses on her,” sabi ni Harold Tan.

“Sen. Drilon may be suffering from age-related narcolepsy.
narcolepsy: [n] a condition characterized by an extreme tendency to fall asleep whenever in relaxing surroundings.,”
paliwanag naman ng abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Narito po ang full interview kay Senador Franklin Drilon ng CNN Philippines.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, nilinaw ni CNN Philippines’ host Pinky Webb ang tunay na nangyari.

“Here’s what happened. As I was laying the premise for my question, I saw Sen Drilon look down at the documents he had on the table. I did not see him fall asleep,” sabi ni Webb.

Source: CNN Philippines via Mindavote| Harold Tan | Atty. Trixie Cruz-Angeles | CNN Philippines | Interaksyon

Leave a Reply

Theme by Anders Norén