Local News

Senate Committee ni Poe, Pinagpaliban ang Franchise Renewal ng 3rd Telco Dito Telecoms

Pinagpaliban ng Senate Committee on Public Services ni Senador Grace Poe ang pagbibigay ng franchise renewal sa DITO Telecommunity, ang pangatlong major telco sa bansa. Ang DITO ay nakatakda nang magsimula ng operasyon sa Marso 2021.

“When DITO applied for this franchise, they should have had the forecast of what they were going to spend… They should be able to provide the initial commitment they made if they are able to do that, then we will give them the additional 25 years… They should not have anticipated that they will get a renewal of their franchise unless they are able to produce the commitments that they were able to make,” boladas ni Poe.

Ipinaliwanag naman ni Senador Miguel Zubiri na magkakaroon ng limitasyon ang DITO kung hindi maibibigay ang franchise renewal.

“We have a lot of applicants that are shell companies as of this time… Without the approval of the loans, hindi nila magagawa lahat ‘yan [deliverables]. Hindi naman sila as big as Ayala or MVP (Manny V. Pangilinan),” sabi ni Zubiri.

Sinabi naman ni DITO Chief Administrative Office Adel Tamano na mapapataas ng 50% ang coverage nila sa susunod na taon. Sa pangatlong taon naman ay papaabutin naman nila ang kanilang coverage sa 70%. At sa pang-apat na taon ay 90% naman. Giit din ni Tamano na importante ang prangkisa upang maging matagumpay ang kanilang serbisyo at operasyon.

“For this year and next year, we are confident we have sufficient funding. What will be truly critical… is that we have our services next year… There will be more viability in our enterprise if our franchise is approved,” ani Tamano.

Ang pagpasok ng pangatlong telecom company sa Pilipinas ay isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipino upang mapaganda ang serbisyo ng telekomunikasyon sa Pilipinas.

Source: DWIZ | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén