Local News

Senator Bong Go, Balak bang Imbestigahan si Trillanes sa Senate Hearing?

“Trillanes, hintayin mo rin. Baka ikaw rin ang ipatawag ko,”

Ganito ang naging banat ng bagong halal na senador na si Bong Go kay outgoing Senator Antonio Trillanes matapos bumaliktad si Joemel Peter Advincula.

Magugunita na Si Advincla ay lumantad sa publiko upang sabihin na siya si alyas “Bikoy”, ang lalaki sa video series na “Ang Totoong Narco List” na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga ito sa bentahan ng droga.

Kanina ay lumantad muli si Advincula pero iba na ang tono. Ngayon ay itinuturo niya ang Liberal party at si Senador Trillanes na may pakana umano ng Bikoy videos. Ayon pa kay Advincula, nakonsensiya daw siya sa paninira sa pamilya ni Pangulong Duterte. Plano daw ni Trillanes na mailuklok sa MalacaƱang si Vice President Leni Robredo bago matapos ang termino nito sa senado.

Matatandaang noong nakaraang taon ay ipinatawag ni Trillanes si Go sa senado dahil sa bintang na nakialam umano si Go sa multi-billion peso warship deal ng Philippine Navy. Ang mga bintang kay Go ay pinabulaanan ng opisyal ng Navy. Dinepensahan din ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén