Local News

Inatasan ni PDU30, Babantaan mo? Army Officer, Pinalagan ang Banat ni Remulla kay Parlade!

Hindi pinalampas ni Army Officer Col. Harold Cabunoc ang mga pinagsasabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla kay Lt. General Antonio Parlade.

Magugunita na sa isang social media post, pinaratangan ni Remulla si Parlade na nagkakabit umano ng mga anti-NPA posters at sabay sabi na papangunahan niya ang pagwasak ng mga ito kung ikakabit sa kanyang nasasakupang lugar.

“Let me assure you that if you or any of your men put up any posters in the Province of Cavite, they will NOT last a day! I will personally lead the effort to tear your propaganda posters down…Brand me a communist if you will but it is my sworn duty to defend Cavite’s record in holding the insurgency at bay,” patutsada ni Remulla laban kay Lt. General Parlade.

Para kay Cabunoc ay isang matinding banta sa inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pahayag ni Remulla.

“MATINDI ANG BANTA SA KAPWA LINGKOD BAYAN
Mukhang seryoso ang banta na ito sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na inatasan ni PRRD thru NTF ELCAC, mula sa kapwa lingkod bayan na dapat ay teammate namin sa laban kontra sa communist insurgency.
Di raw aabutan ng isang araw. Kakatakot yon! Nababahala rin kami sa kahihinatnan ng mga napag-utusan lang ng nakakataas na magkabit ng “NO TO NPA” tarps ayon sa overall intent ng pamahalaan.
Paano naman kaya ang aksyon ng mga lingkod bayan kontra sa mga taong pakana ng vandalism sa public places gaya ng “MABUHAY ANG CPP-NPA-NDF” at “MABUHAY ANG ARMADONG REBOLUSYON”?” buwelta ni Cabunoc.

Magugunita na sinagot na rin ni Parlade ang mga pinagsasabi ni Remulla.

“I’m just a spokesperson of the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict), incidentally, I’m also the commander of Southern Luzon, area ko ang Cavite… Why not call me and ask about those things? Why accuse me? So that’s not fair, sa Facebook wall niya pa at tine-threaten niya ako, na ‘pag ako ang naglagay niyan, he will make sure na ipapatanggal niya yan… That’s not right to accuse me of putting those… Hindi ako duwag. Kung ako magpapalagay ng tarpaulin diyan, I’ll make sure my name is on there, my office logo is there,” resbak ni Parlade.

Source: Harold Cabunoc | Archive | Mark Lopez | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén