Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Sharon, Gustong Sipain sa Bahay si Kiko ayon kay PDU30!

Sa kanyang talumpati para sa Bonifacio Day rites nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gusto na raw ni Mega Star Sharon Cuneta na sipain sa kanilang pamamahay si Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“The only problem with it, itong si Kiko. Pupunta-punta kasi sa p***. Puntapunta ng mga Harvard, ganun, [unclear] pa-English-English. Pagdating dito galing Harvard, ang ginawa nagpa-appoint Agriculture. Para lang nandiyan sa pwesto. Just so to be… Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign,” rebelasyon ni Pangulong Duterte.

Bago ang naging pagsisiwalat ni Pangulong Duterte ay binanatan niya ang batas na isinulong ni Pangilinan.

“Alam mo ba ‘yun si Pangilinan? Kayo, kayo lahat, kayong lahat. Bumilib kayo sa gunggong na ‘yan? ‘Yan ang nag — nag-ano ng batas na hindi mo mahuli 15 years old. They go in and out of prison because of the Pangilinan law. And they go in and out. You ask your police and social workers. Because they have with them the copy of their birth certificate. And below five, they just go in and out. They steal, they kill, they rape and kill. Whatever the crime is. They are scot-free,” banat pa ni Pangulong Duterte.

Ikinagulat naman ni Cuneta ang naging pahayag ni Pangulong Duterte. Ayon sa mega star, mahilig daw magbiro si Pangulong Duterte.

“Tatay (Duterte) likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past… I don’t know where this is coming from, honestly. If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country,” sabi ni Cuneta.

Magugunita na noong 2017 ay nagkaroon ng usap-usapan tungkol problema sa relasyon nila Cuneta at Pangilinan dahil sa social media post ng mega star.

Source: CNN Philippines | CNN Philippines | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén