Local News

Shoot-to-kill ay Utos ni DU30! Rep. Castro, Gumatong sa Tarlac Shooting Incident!

Mainit na diskusyon ngayon sa social media ang insidente ng pamamaril kung saan ang suspek ay isang pulis. Binaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sina Sonya Gregorio at ang anak nito na si Frank Anthony Gregorio. Nag-ugat ang alitan ng dalaang panig dahil sa boga na pinapuputok ni Frank. Ayon sa ilang ulat, may dating ng naggigirian ang suspek at ang mga biktima dahil sa lkupa.

Ngayon ay walang sinasayang na panahon ang mga kritiko ng Duterte Administration para makapuntos laban sa gobyerno. Isa sa mga personalidad na gumagatong sa isyu ay ang leftist congresswoman na si Act Teachers Partylist Representative France Castro. Ang away makapit-bahay ay pinopolitika ni Castro at ikinokonekta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“This is not isolated incident. THere is systematic and chronic abuse of power in the police and military that the Duterte administration cannot deny especially when shoot-to-kill orders come straight from the mouth of the commander-in-chief,” sabi ni Castro.

Si Castro ay isa sa mga kongresista na kinilala ng Anti-Communist Task Force na konektado sa Communist Party of the Philippines (CPP). Magugunita na hinuli si Castro noong Disyembre 2018 dahil sa kidnapping at human-trafficking. Ayon sa ilang ulat, tinangay nina Castro at ni former Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang ilang kabataan na walang pahintulot ng mga magulang.

Naglabas na ng pahayg ang Palasyo ukol sa insidente at tiniyak na mananagot ang pulis. Nilinaw din ng MalacaƱang na walang kaugnayan sa trabaho ng pulis ang nangyaring pamamaril.

“Kinukundena natin ang nangyari diyan sa Tarlac. At lilinawin ko lang na hindi ito service related na double murder. Ito po ay kung hindi tayo nagkakamali ay isang away daw tungkol sa pag posisyon sa lupa. So ang pulis pong iyan ay hindi pwede mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang katungkulan. Ito po ay tatratuhing ordinaryong murder case, iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at papaparusahan natin ang pulis na iyan. No ifs, no buts, magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman natin ang ebidensiya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente, kinukondena natin iyan,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén