Local News

“Shut up ka na lang! Tinakwil nga kayo ng Taumbayan” Malacañang, Na-Boljak si Ex-Otso Diretso Senatorial Candidate Florin Hilbay

“Hindi na siya SolGen, tumahimik na lang siya,”

Ganito ang naging tugon o masasabi nating resbak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa naging pahayag ng dating solicitor general at talunang senatorial candidate ng Otso Diretso na si Florin Hilbay.

Kamakailan lang ay nanawagan si Hilbay na imbestigahan ng senado ang umano’y verbal agreement ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Chineses President Xi Jin Ping na payagang mangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hilbay, ang naturang kasunduan ay hindi praktikal, hindi patas at lumalabag sa konstitusyon.

“I think the Senate needs to conduct an investigation over whether or not the fisheries code was violated or whether or not the treaty clause of the Philippines was violated… I think if they want to enter into some kind of informal agreement, pwede naman nilang sinabi na they won this case, but we understand that we have a very powerful Navy out there. We will allow the Chinese fishermen to fish in our EEZ but everytime we catch them, we are going to complain, we are going to file a protest,” sabi ni Hilbay.

Banat ng tagapasalita ng Presidente, ang mga banat laban sa administrasyon ay matagal nang itinakwil ng mga botante. Magugunita na si Hilbay at ang buong senatorial slate ng oposisyon ay natalo nito lang 2019 elections.

“Alam niyo, itong mga kandidato noong mga nakaraan, they have been overwhelmingly repudiated by the electorate. And the issues they have raised against the President and this administration have been factored because iyan ang naging paulit-ulit na linya nila against the President and the administration. Eh tinanggihan na nga sila (ng mga tao). Eh ayaw pa rin silang maniwala na hindi sila pinaniniwalaan ng taumbayan,” buwelta ni Panelo.

Source: GMA News | Presidential Communications via Malayang Pilipino | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén