Local News

“Si DU30 ay Virus, Inutil, Tamad at Taksil” former DSWD Sec. DInky Soliman

Kahapon ginunita ng ilang kabaayan natin ang People Power revolution. Isa sa mga nakiisa dito ay si former Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman. Sa kanyang pagharap sa ilang miyemrbo ng media ay binanatan nito si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Hinalintulad ng dating opisyal si Pangulong Duterte sa isang sakit.

“Hindi kami magpapatalo sa Duterte virus. Hindi kami magpapatalo sapagkat siya ay nagtaksil. Siya ay hindi gumagawa ng kanyang trabaho, siya ay inutil, at siya ay taksil sa kanyan mga ipinangako,” sabi ni Soliman.

Hindi rin nagugustuhan ni Soliman ang nangyayari sa ABS-CBN. Ayon sa dating kalihim, kinikitil daw ang kalayaan sa pamamahayag sa panahon ni Pangulong Duterte tulad daw ito noong panahon ni ex-president Ferdinand Marcos.

“Si Marcos virus noon, kanilang ipinasasara ang ABS-CBN. Ang press freedom ang kanilang sinisiil. Ngayon si Duterte ay gusto din ipasara ang ABS-CBN,” ani Soliman.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Marso 30, 2020. Hanggang ngayon ay hindi pa dinidinig sa seando ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa legislative franchise ng istasyon. Isa pa sa problema ng ABS-CBN ay ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para ibasura ang prangkisa ng media giant.

Ipinaliwanag din ni Soliman kung bakit kaunti ang lumahok ngayon sa paggunita ng People Power. Palusot ni Soliman, dahil daw ito sa coronavirus.

“Maraming nagtatanong kung bakit walang malaking rally ngayon at bakit hindi sumasama sa rally (ang iba). Maari ang mga kritiko ay magsasabi na ‘kaunti na lang kayo, kasya na lang kayo sa Simbahan ng EDDSA Shrine,’. Subalit ang aming sagot, ganito, sa ngayon ay mahalagang makiisa sa panawagan na huwag tayong magkaroon ng malaking pagtitipon dahil sa coronavirus. At ‘yung coronavirus hanggang ngayon ay hindi pa napupuksa… kaya dito tayo at maiksi,” dagdag pa ni former DSWD Secretary Soliman.

Source: Sugbo Balita

Leave a Reply

Theme by Anders Norén