Local News

‘Si Grace Poe ang Ngaw-ngawan mo!’ Leni, Naboljak ni Tulfo tungkol sa umano’y “Transport Crisis”!

“Kasi kapag sinabi mong walang krisis, wala ka talagang gagawin, kasi para sa’yo walang problema. ‘Yung satin, ‘yung pinakunang paraan para may gawin ay ‘yung pagtanggap na talagang malaki ‘yung problema. Kasi kung ‘di mo aaminin, walang sense of urgency,” – Vice President Leni Robredo.

Nakatikim ng boljak si Robredo mula sa radio commentator / host na si Erwin Tulfo. Uminit ang ulo ni Tulfo nang marinig niya ang naging komento ni Leni na wala daw sense of urgency ang Duterte Administration tungkol sa paglala ng transportasyon sa Kamaynilaan.

“Si Aling Robredo ay nagsalita na naman. Sabi ni Madam, dapat daw tanggapin ng Duterte Administration na mayroon tayong krisis sa transportasyon. Ang tanong ng ilang Duterte supporters ay nasaan ba itong si Aling Leni nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan niya ng emergency powers para maresolba ang problema na iyan. Nasa abroad ata si Madam Leni. Ano mam? Sinabi na ni Presidente iyan. Bagama’t hindi niya sinabi na may transport crisis, humihingi po ang Pangulong Duterte ng emergency powers para maresolba niya ang trapik sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Ang problema ay ayaw bigyan ni Grace Poe,” resbak ni Tulfo laban kay Leni.

Buwelta pa ni Tulfo, si Senadora Grace Poe ang dapat pagsalitaan ni Robredo tungkol sa problema sa trapiko dahil ang senadora daw ang humarang emergency powers na hinihiling ng ehekutibo.

“Dumaan sa aking wall na nag nagngangawngaw raw si Madam Leni Robredo at kailangan daw tanggapin ng DUterte Administration na may krisis tayo sa transportasyon… Hindi po binabalewala ng gobyerno ang prblema sa trapiko… For your information, baka kayo tulog at wala kayo dito noon, humingi ang pangulong Duterte ng emergency powers sa senado na hanggang ngayon ay ayaw ibigay ni Grace Poe. Si Grace Poe siguro ang ngawngawan mo para ibigay ang emergency powers para magawan ng paraan ng Duterte Administration ang maresolba ang problema,” banat pa ni Tulfo.

Source: Erwin Tulfo | ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén