Local News

“Si Inday, Sara, nirespeto niyo ba ako at ang anak ko?” Sharon Cuneta, Naglabas ng Galit!

Hindi na maitago ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang galit laban sa mga batikos na tinatanggap ng kanyang pamilya sa social media.

Kaya sa isang Instagram post na kalaunan ay binura din, inilahad ni Cuneta ang kanyang pagkadismaya sa naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Inireklamo din ni Cuneta ang mga tagasuporta ng Duterte Administration.

“Si Inday Sara, NIRESPETO NIYO BA AKO AT ANG ANAK KO? Noon pa binabastos niyo na ang asawa ko. Tapos ang pangulo mismo ang nag sabi na PINAPALAYAS KO ANG ASAWA KO SAMIN AT MAGRERESIGN SIYA KUNDI TOTOO. Ang laking GULAT NAMIN NOON.

Dahil hindi ko pa siya nakakausap since before HE HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA. Nasaktan kami at ang mga anak ko. Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong. Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin. MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.

Tapos binababoy ng isang DDS na kasama nyo ang anak ko. May dumepensa ba sa amin kahit mahal daw ako ni Tatay? Wala. AKO AT SI KAKIE NA ITO, HINDI NA SI KIKO LANG. NASAKTAN AKO. Kasi TAYO DAPAT ANG MAGKAKAMPI. PERO KAYO ANG SUMIRA AT PATULOY NA SUMISIRA SAMIN. AWANG AWA NA AKO SA ASAWA’T MGA ANAK KO.

Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila. Pero SOBRA NA KAYO. AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO. ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI? HINDI KO NA KAYA,” boladas ni Cuneta.

Magugunita na sa kanyang Youtube video ay sinabi ni Cuneta na sana ay tumakbo si Vice President Leni RObredo sa pagka-presidente para maibalik daw ang pagiging disente ng mga Pilipino.

“I don’t know what’s happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time… Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana manalo si VP Leni kung tumakbo siya… Baka sakaling bumalik ang pagka disente ng karamihan sa atin,” sabi ni Cuneta.

Source: Politiko | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: