Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Si Leni ang Direktang Makikinabang sa Bikoy Videos at Ouster Plot’ – DU30 Govt Official

“The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot,”

Ganito ang naging matapang na pahayag ni Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras tungkol sa mapanirang video series na “Ang Totoong Narco List” kung saan isang alyas “Bikoy” ang nagsalita at siniraan ang mga kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte at inuugnay pa sa kalakaran ng bawal na gamot.

Ayon kay Paras, ang video ay parte ng destabilisasyon laban sa Duterte Administration at si Vice President Leni Robredo daw ang direktang makikinabang kung magtatagumpay ang pagpapabagsak sa gobyerno. Isa pa sa inakusahan ni Paras ay ang maingay na kritiko ni pangulong Duterte na si Senador Antonio Trillanes.

“It’s Leni and Trillanes who are behind all these… The Robredo-Trillanes cabal is behind this oust-Duterte plot… The Filipino people should join hands to protect the presidency,” sabi ni Paras.

Para kay Paras, ang nahuling webdeveloper na si Rodel Jayme ay isang maliit na parte daw sa laro ng destabilisasyon.

Si Jayme ay nasakote ng mga kawani ng National Bureau of Investigation kamakailan lang. Umamin si Jaime na siya ang web developer at administrator ng Metrobalita.net, isa sa mga unang nagpakalat ng Bikoy videos. Ayon kay Jayme, hindi daw siya ang nag-upload ng video sa website kundi ang kaibigan niyang Liberal Party supporter na si Maru Nguyen. Pumayag si Jayme na kumanta at ituro ang mga sangkot sa mapanirang video.

Hindi rin nakaligtas kay Paras ang ilang media groups dahil sa paulit-ulit na pagbabalita ng paninira ni Bikoy sa pamilyani Pangulong Duterte.

“These are ‘fake news,’ but these claims were bolstered by repeated exposure in several media entities that is part of a demolition job against the President,,” buwelta ni paras sa ilang media organizations.

Magugunitang naglabas ang Malacañang ng “Oust-Duterte Matrix” kung saan ilang media groups ang konektado umano sa pagpapakalat ng mapanirang video laban sa Pangulong Duterte.

Source: Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén