Local News

‘Si Leni ang walang pagod sa paghanap ng solusyon’ Kiko, Niresbakan si PDU30!

Bumoladas si oppostion senator Kiko Pangilinan sa mga sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Kagabi sa kaniyang public address, binuweltahan ni Pangulong Duterte si Robredo dahil sa palagiang pagpuna nito sa poagtugon ng gobyerno sa pandemiya at pagkuha ng mga bkuna.

“Ikaw, sige ka ng salita diyan. Wala ka namang ginagawa. Sige ka issue-issue ng statement. You know [why]? Because you want to be relevant here. Gusto mo sumali sa laro na para pakinggan ka rin… Kung marunong kang makinig, walang bkuna ngayon available either hingin mo o nakawin o bayaran mo, not only the Philippines… Ngayon kung gusto mo talaga para mahinto ka, kuha mo yung basket mo mamalengke ka sa labas ng bkuna, bigyan kita pera para kung may mabili ka bilhin mo na kagad at umuwi ka dito sa Pilipinas,” resbak ni Pangulong Duterte.

“Sabi niya (VP Robredo) mauna ako … masyado kang apurado… Pagduda mo kasi tapos na ako, kaya you want me to go to a trap to saying things which are not appropriate… Kung gusto ko kapag nag injection ako nandiyan ka sa Malacanang,” banat pa ng Pangulong Duterte sa hiwalay na pahayag.

Para kay Pangilinan, si Robredo raw ang walang pagod sa paghanap ng solusyon sa pandemiya.

“Virus ang problema, hindi si VP Leni. Simula’t simula pa. siya nga ang walang pagod sa kakatulong at kakahanap ng solusyon sa pesteng virus. Tuluran na lang kaya nila si VP, tutukan nang husto ang pagsugpo sa Virus para hindi tayo kulelat sa buong Asya. Eyes on the ball, ika nga. Ang letrang V na dapat tutukan ay virus at hindi ang VP,” boladas ni Pangilinan.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén