Local News

Panoorin: “Abogadong Walang Alam si Leni” Robredo, Niresbakan ni DU30!

“Walang alam. Abogado na walang namang alam,”

Kasabay ng paghamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo na maging drug czar at pangunahan ang anti-drug campaign ng gobyerno ay ang pagbatikos nito sa kakayahan at abilidad ng bise presidente. Para kay Pangulong Duterte, si Leni ay puro daldal at isang abogadong walang alam.

“Siya ‘yung madaldal eh, dito pati sa labas. Baka may alam siya na mas mabuting (strategy). If she knows a better method of dealing with the problem baka may (solusyon) talaga. If you criticize, you must have the answer. If you question, you must have the answer. Huwag kang magdala ng problema sa akin. Tanungin kita, sige, ano ang mabuting gawin natin? ‘Yan ang tanong ko sa kanya ngayon. Eh madaldal ka doon. Nagdadaldal ka pa sa labas eh,”resbak pa ng Pangulong Duterte kay Leni.

Inudyukan din ng Pangulong Duterte ang sambayanan na huwag iboto si Leni kung sakaling tumakbo ito sa pagka-presidente. Malalagay daw kasi sa alanganin ang bansa at mapapahamak ang mga Pilipino.

“Wag kayong boboto diyan kay Leni. Kawawa kayo… Tapos ito, diretso, sabihin na ganito-ganito, ‘wag kayong magkumpiyansa diyan kay ano, disgrasya kayo. ‘Yan ang presidente, patay, sigurado,” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Ang sigalot sa pagitan ni Pangulong Duterte at ni Vice President Leni ay muling sumiklab nang sabihin ni Leni sa isang foreign new agency na palpak umano ang drug war ng pamahalaan at dapat nang ihinto. Nanag dahil sa anging pahayag ni Leni, hinamon ito ni Pangulong Duterte na pamunuan ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kinuwestiyon naman ni Leni ang hamon ni Pangulong Duterte sa kanya. Angal niya, bakit daw ipapasa sa kanya ang responsibilidad ng pamumuno sa kampanya kontra-droga kung ito ay matagumpay.

“Kung walang failure, bakit ipapasa sa akin? ‘Di ba? Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung hindi— Kung successful kasi siya, hindi kailangang ipasa, kasi wala nang ipapasa, eh. Kasi nagawa mo na. Pero kung ipapasa mo sa iba, hindi ba admission iyon na ang dami pang kailangan gawin?” palusot ni Leni.

Source: Ang Malayang Pilipino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén