Local News

‘Si Manny ang Hinihintay, Hangarin niya ay Tunay!’ Music Video, Sumingaw sa Social Media!

Kamakailan lang ay nagsalita ang boksingerong senador na si Manny Pacquaio sa isang press conference upang tutulan ang resolusyon ng ilang kapartido niya sa PDP-LABAN na naghihikayat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise presidente. Ayon kay Pacquiao, hindi lehitimo ang nasabing resolusyon. Giit din ni Pacquiao na huwag daw mamulitika at tutukan muna ang pandemiya.

Ang boladas na ito ni Pacquiao ay hindi nagustuhan ng ilang tagasuporta ni Pangulong Duterte. Ayon sa radio host at vlogger na si Byron Cristobal aka Banat By, tila lumalabas na kino-kontra daw kasi ni Pacquiao ang pag-promote kay Pangulong Duterte bilang bise.

Nagpakita rin si Cristobal ng larawan kung saan makikita ang posters na may mukha ni Pacquiao at may nakasulat na “Manny Pacquiao 2022 President.”

Ngayon naman ay ibinahagi ng Manila Bulletin writer at government supporter na si Krizette Laureta Chu ang isang music video kung saan maririnig ang todong pauri kay Pacquiao. Ayon sa video, si Pacquiao ang hinihintay at hangarin daw nito ay tunay.

Narito po ang komento ng ilang netizens sa nasabing video.

“First few seconds of this video is implying that there’s no progress done in this country. Well, i can’t blame the editor since he needs money. Is it possible thay Liberal party will shift to Manny? Or are they holding him already and Manny doesn’t even know it?” – Jun Manuel Layese

“Akala cguro ni Manny na pag nagbigay ng ayuda ay solve na problema ng bansa..dipo ganun un Sir,wag kau papauto sa mga nakapaligid sa inyo.Mas magiging effective kau kung Mayor takbuhin nyo, pero mag Presidente,?BIG NO!!!” – Ohmel Cunanan

“Big respect to pambansang kamao.. pero never kitang iboboto bilang pangulo. Ano nalang mangyayari sa pilipinas kung wla man lang qualified na papalit kay PRRD.” – Jocel Mamites Catalan

Source: Krizette Laureta Chu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén