Local News

“Si Pastor Apolinario ang living Moises” – Kapa Member

Nitong Huwebes ay nagtipon-tipon ang libo-libong miyembro ng Kapa Community Ministry International Incorporated sa General Santos City para ipinawagan na huwag ipasara ang kanilang organisasyon. Isa pa sa layunin ng kanilang pagsasama-sama ay para depensahan ang nagtatag ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario. Naniniwala ang mga miyembro na hindi pyramiding scam ang kanilang grupo.

Isang lola naman ang lumuhod at nagsumamo kay Presidente Rodrigo Duterte. Ayon kay Lola Josefa, tanging sa Kapa lang daw siya nakakakuha ng pera para sa medikal na serbisyo na kanyang apo na pre-mature.

Si Delia Ababon naman na isang bagong miyembro ng KAPA ang nagmakaawa din sa Pangulo na muling buksan ang kanilang organisasyon. Si Ababon ay isang magsasaka at nagbigay ng “donasyon” na P100,000 sa Kapa pero wala pang natatanggap na “blessing”.

“Tatay Digong maawa ka naman sa aming mahihirap. Ang KAPA ito na ang sagot sa kahirapan. Si Pastor Apolinario, siya na ang living Moises na inihaon kaming slaves sa kahirapan,” sabi ni Ababon.

Naninindigan naman ang National Bureau of Investigation (NBI) na nilabag ng KAPA ang securities and regulations code ng Pilipinas sa pagtanggap ng investments at pagbibigay ng napakalaking interest na itinago daw sa terminong “blessings”.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén