Local News

Siga, Biglang Nanuntok nang Walang Rason! Biktima, Nahulog sa Hagdan at Natigok!

Kaawa-awa ang sinapit ng isang lalaking naglalakad lang sa overpass sa Baguio nang makursunadahan kasi siya ng isang siga.

Sa kanyang pagbaba sa overpass ay may nakasalubong ito na tatlong lalaki. Isa sa mga lalaki ay bigla nalang sinuntok ang biktima nang walang rason at walang kaabog-abog. Nahulog ang biktima sa hagdan at nagkaroon fractures sa ulo. Naisugod pa sa ospital ang biktima pero kalaunan ay binawian din ito ng buhay.

Nakilala ang biktima na si Colin Akinchang. Laking hinagpis ng mga kaanak ni Akinchang sa nangyari.

Ang suspek naman ay kinilala na si Marc Manginga Calical. Ayon sa ulat ng GMA News, tinutugis na raw ang suspek.

“For no apparent reason, nagkasalubong sila sa overpass. Bigla na lang itong suspek sumuntok sa victim natin… Huwag po kayong mag-alala ito po ay isolated incident at tuloy-tuloy ang pagbabantay natin sa mga mamamayan ng Baguio,” sabi ni Baguio City Police Office City Director PCOL. Allen Rae Co.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa kahayupan ng suspek.

“Walang magawang matino ang putris na ito basta nalang nananapak!!! Abay siga ang demonyong yan dapat nang mawala dito sa lupa iyan,” sabi ni Danilo.

“Kawawa nman si kuya wala nmang gingawang masama basta na lang susuntukin. Condolences po sa family,” sabi ni Irralyn.

“Dahil nakita sa CCTV.. madali lang mahuli ang kriminal na yan.. Lubhang delikado ang kriminal na ito’.. makasalubong lang ng ‘ma-kusunadahan nya’.. bigla na lang niya itong susuntukin.. aba e’.. maysakit yan sa pag-iisip at dapat wag na bigyan pa ng pagkakataon na mabuhay pa dito sa mundo bago pa man makagawa ulit ng krimen. PNP.. please do the best job to finish this criminal as soon as possible.. please lang po,” sabi ni Donato.

“nag trip mga yan..mga adik..sila dapat hinugulog sa bangin ng kennon road..lipulin lahat ng mga ganyang salot,” sabi ni Enchong.

Source: GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén