Local News

Siga na Kagawad, Bumabatak ng Droga sa Barangay Hall! Huli sa Hidden Camera!

Nasakote ng mga otoridad ang isang kagawad at ang hepe ng mga tanod sa isang barangay sa Cavite dahil sa droga.

Huli sa hidden camera ang pagtimbang ni Kagawad Dante “Bok” Morales sa bawal na gamot at ang pagbatak nito ng droga habang nasa loob pa mismo ng barangay hall. Nakaupo pa ito sa upuan ng kapitan at inaayos ang foil na pinaglalagyan ng hinihinalang shabu.

Sapul din sa surveillance camera ang pakikibatak ni Miguel “Don Migs” Piedad, ang hepe ng mga tanod.

Sa hudyat ng asset, nilusob ng kapulisan ang barangay hall at agad pinadapa ang mga opisyal ng barangay. Nagawa pang itapon ni Morales ang foil sa bintana. Ayon sa ulat, may nagaganap din daw na bentahan ng shabu sa mismong barangay hall.

Ang mga durugista ay dalawang buwan na palang tinitiktikan ng otoridad. Ayon sa kapulisan, kilalang siga daw sa lugar si Morales dahilan kaya natatakot magsumbong ang mga tao.

“Itong nakapalibot sa barangay ay alam na pala nilang mayroong nagaganap na bentahan. Wala lang silang mapagsumbungan dahil natatakot. Kasi itong si Kagawad Morales ay kilalaang siga siga sa lugar na iyon,” sabi ni Bacoor City Police Chief PLTCOL. Vicente Cabatingan.

Kinukuwesityon din ng kapulisan ang nalalaman ng barangay captain sa pinaggagawa ng mga tuhan nito.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén