Local News

Siga na Namalo ng Baril, Lumuhod sa Biktima nang Makatagpo ng mas Astig!

Hindi nakaporma sa mamamahayag na si Ben Tulfo sigang si Ronnie ROmy nang magka-usap ang dalawa sa telepono.

Inirereklamo kasi si Romy ni Jeo Franz Pontino dahil sa pamamalo ng baril.

Ayon sa biktima, Nagtungo daw sila sa barangay upang ayusin ang gulo na kinasasangkutan ng kaniyang tiyuhin nang biglang lumapit si Romy at namalo ng baril. Nagpakilala pa raw si Romy na alalay ng kapitan ng barangay.

Nagharap ang suspek at ang biktima sa barangay pero imbes na humingi ng paumanhin ay nag-aangas pa ito.

Sa pagkakataon na iyon ay kinausap na ni Tulfo ang suspek. Nagbabala ang mamamahayag sa pwedeng kahantungan ni Romy. Pinaluhod ni Tulfo si Romy at sinabihan ang suspek na lumuhod at humingi ng kapatawaran sa biktima nito.

“Marunong ako magbasa sa tono ng pananalita, sa lakas ng pananalita, sa asal at kinikilos ng nagsasalita… Ikaw na nandehado, ikaw pa ang maangas… Lumuhod ka, humingi ka ng despensa, mo sa nanay at anak, ipakita mo nagkamali ka… Pag ginulo mo ang pamilya, bubuweltahan kita… HUwag mo silang kakantihin at pakikialamanan.. Pag ginalaw mo sila ay kikilos agad ang grupo ko… Hindi ako nagbabanta, ginagawa ko lang… Paaamuhin kita. Gagawin kitang sisiw, hindi ka na agila. Hindi kana cobra, bulate ka lang para sa akin,” banat ni Tulfo.

Source: Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén