Local News

“Simulan mo ng umihi sa salawal!” ABS-CBN Radio Host, Binoljak ng GMA-7 Writer!

Sa isang social media post, pinatikman ng bagsik ng GMA-7 Writer na si Suzette Doctolero ang isang talent manager mula sa karibal nilang istasyon, ABS-CBN.

Hindi nagustuhan ni Doctolero ang pa blind item ng nasabing talent manager. Sa kanyang Facebook post, ipinamukha ng writer sa nasabing ABS-CBN personality ang kapalpakan ng Kapamilya network. Hindi naman pinangalanan ni Doctolero ang tinutukoy nito.

“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko. Napaka ironic na ‘yang “nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama.

Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin. Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.
Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang. Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya tangina, sobrang proud ako. Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!

Ipapamukha ko din sa iyo na Kami lang ang nagpapalabas ng matinong lgbt, historical at historical fiction soaps na hindi nilalait ng mga akademiko.

First and last time na gumawa kayo, kumusta ba? Hindi ba’t naghuramentado ang mga indigenous people? Nakatikim rin ng talak sa akin yung headwriter nun. No wonder at winakasan agad. Kayo pa? Ugali ninyong patagalin ang show. Oh wait, manager ka nga pala ng isa sa main cast nun kaya no wonder, gigil ka sa akin. 👅 to be fair, magaling naman silang artista. Ambobo, historically at culturally insensitve /inaccurate lang nung palabas. So huwag kang magyabang at manglait ha? At ibabalik din sa iyo. Alalahanin, ‘di kayo perpekto. Kaya nga may mga kaso at issue now e ‘no?

Pasensya na ha, i dont mince my words.
Anyway, nakikiisa ako sa inyo sa totoo lang. Atin atin lang ha pero pumirma din ako doon sa signature campaign ninyo.
So Huwag kami ang awayin mo. Awayin mo ang kompanya mo kung bakit napunta kayo sa ganyang sitwasyon. Yan na lang muna.

Ps. Huwag kang manakot ha. Mali iyan.” banat ng GMA 7 Writer.

Sa hiwalay na post ni Doctolero, muli niyang niresbakan ang parehas na tao at sa pagkakaton na ito ay pinangalanan niya na ito.

“Ogie, basa. Simulan mo na ring umihi sa salawal mo. Di mo nga mapagtanggol yang kompanya mo tapos may kapal ka pa ng fez na magpa blind item at manira.
Anong ikinagagalit mo ba? Wala naman kaming sinabi masama. Wait, masama bang sabihin ay bakit maliit ang tax na binayaran? Sana all. Maski kahit sinong taxpayer: Mapapa sana all naman talaga.
Mare, Di ito ang panahon para magparami ka ng mga kaaway. Ako? Sus, wala akong pake. Just Be nice. At Magigiing nice din kami sa iyo. At least ako, titikom ang bibig ko. Kung nice ka. Kung walang pandemic, yayayain kitang magkape. Kwento kwentuhan lang. Seryoso,”
buwelta pa ni Doctolero.

Ayon sa ulat ng Philippine entertainment Portal (PEP), ang radio host at talent manager na si Ogie Diaz ang binabanatan ni Doctolero.

Si DIaz ay kilalang kritiko ng mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Source: Suzette Doctolero | Suzette Doctolero | PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: