Local News

Sinamantala ng Militar ang Family Issue para sa Siraan ang Leftist, ayon kay Bayan Muna Congressman

Para kay Bayan Muna Congressman Carlos Zarate, ginagamit lang daw ng mga alagad ng batas ang mga magulang ng mga estudyanteng napaulat na “nawawala” matapos sumapi sa leftist group na Anakbayan.

“Sinamantala ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang hindi pagkakaintindihan sa pamilya ng mga dumalo sa hearing para manira ng mga progresibong organisasyon at maging tungtungan para sikilin pa ang karapatan ng mamamayan,” boladas ni Zarate.

Ayon pa kay Zarate, wala daw katotohan ang akusasyon ng pandudukot at hindi rin daw nawawala ang mga kabataang sumapi sa Anakbayan.

“Ang totoo, wala namang ‘missing minors’ dahil nasa wastong gulang na ang mga ito at hindi sila pinilit o kinidnap,” ani Zarate.

Kahapon ay binanatan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang naging hakbang ni Zarate kay Alicia Lucena, ang Anakbayan member na hinahanap ng magulang na si Ginang Relissa Lucena. Imbes daw kasi na si Zarate ang magbalik sa dalagita sa ina nito ay pinag presscon pa raw ang estudyante.

“I tell you Congressman Zarate, if you are a responsible parent, alam mo umiiyak yung mother. Hindi ka ba naawa sa mother? Tinulungan mo na sana, hinatid mo na ‘yung bata sa mother. Anong klaseng parent ka? Nakita mo ang grabe ng hirap ng parent, tapos ikaw nandiyan pinapa-presscon mo (‘yung bata) sa loob ng congress. As far as the parent is concern, missing (yung bata) dahil hindi niya nakikita. Ngayon na sa harapan mo, kung ikaw isang responsableng congressman, dalhin mo ‘yung bata, ipinakita mo muna sa magulang, pero kung ayaw talaga ng bata at umalis, pabayaan mong umalis. As a responsible congressman, ang dapat na ginawa mo ‘yung hinatid mo yung bata sa grieving mother, at least you have done an amount of kindness,” resbak pa ni Senador Bato.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Zarate sa isyu.

“Ikaw nga congressman zarate pinapag aral mo mga anak mo at gusto mong makatapos… Bakit yung anak ng iba OK lang sayo kung ayaw na nilang mag aral at sumuway sa magulang nila? Para fair patapusin nyo na muna mga estudyante saka sumali dyan sa grupo ninyo. Kung sakaling umayaw na at least may natapos at makakahanap ng matinong trabaho,” sabi ni V. Alreon.

“Your role as a lawmaker is to make laws in favor of your members or in your advocacy. Recruitment of members will follow not on brain washing them to be disobedient to their parents. Remember this young minds has no definite discretion yet. Especially if you feed this info to school grounds. There is a difference between presenting your advocacy versus brain washing,” sabi ni N. Cercado.

“sinasamantala nyo ang tax ng taong bayan pagpapa aral ng libre sa kolehiyo para i recruit sa samahan nyong walang ginawa kundi manira ng pamahalaan…at taong bayan,” sabi ni J.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén