Local News

Singer Butuin Escalante, Sinisi ang Gobyerno sa ‘Posibleng Paglaya’ ni Ex-Mayor Sanchez

Tila sinisisi ng singer na si Butuin Escalante ang kasalukuyang gobyerno dahil sa ibinalita ng ilang mainstream media na maaring makalaya si Calauan, Laguna Ex-Mayor Antonio Sanchez.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Escalante na ang mga halimaw sa gobyerno ang sumisira sa isa sa mga pagkakataon gumana ng maayos ang batas.

“I was in my Freshman year in UPLB when Eileen Sarmenta and Allan Gomez were abducted, dehumanized and murdered. This case was one of the few times our justice system actually worked and now these new monsters in government seek to reverse that. #F*ckThisGovernment,”

Hindi naman napigilan ng isang netizen na sumagot sa post ni Escalante. Ayon sa isa nating kababayan, bakit daw sisisihin ngayon ang gobyerno kung si ex-president Noynoy Aquino ang pumirma sa nasabing batas.

“Bakit sinisi mo ngaun ang government??? Eh si NoyNoy ang pumirma nung batas.. Sila ang sisihin mo kung kaya tuloy ngkachance ang rapist na yan,” sabi ni Twitter User Clumsy_mom.

Nakaraang taon, tila ipinahiwatig ni Escalante na binabawi niya na ang kanyang suporta kay Presidente Rodrigo Duterte na ibinoto daw niya noong 2016.

“I WAS the 16M but i love my country more than the president… Many of the 16 Million voted for him with reluctance. I did so out of a misplaced anger. But I’m rather thick skinned so I have no reluctance putting this out there. I cannot speak for the rest though. The backlash is awful,” sabi ni Escalante.

Kahapon nilinaw ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na walang katotohanan ang inire-report ng ilang media na lalaya na si ex-mayor Sanchez. Ayon sa hepe ng BuCOr, nahulian si Sanchez ng droga at sapat daw itong dahilan para hindi makasama ang dating alkalde na magkaroon good conduct computation.

“Walang katiyakan na lalaya na siya… Alam mo naman ang mga tao mahilig gawin ang ganyang (tsismis) kasi para form of entertainment iyan sa Pilipinas na mag-create ng controversies… Mayroon na diyang politically motivated. Kako tumigil nga kayo. Some people want to destroy others. Sinabihan ko ang mga kasamahan natin sa mainstream media na maging responsable naman tayo at huwag niyong pag-away-awayin ang bansa. Huwag niyong i-agitate ang bayan. You put words into our mouths na hindi namin sinabi,” banat ni Faeldon.

Source: Twitter | Rappler | MUB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén