Local News

Singer Claire Dela Fuente, Pumanaw na!

Sumakabilang buhay na ang tinaguriang Jukebox Queen na si Claire dela Fuente. Pumanaw si Dela Fuente dahil sa cardiac arrest ngayong umaga. Si Dela Fuente ay pinanganak noong December 28, 1958.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng showbiz reporter na si MJ Felipe.

“Relatives of the singer confirmed her passing thru composer and music producer Jonathan Manalo who is close to the family”

Sumikat si Dela Fuente noong 1970s dahil sa mga jukebox hit nito na “Sayang”. Ilan pa sa mga kanta niya na tumatak ay ang “Minsan-Minsan” at “Nakaw Na Pag-ibig”. Tinagurian din si Dela Fuente bilang “The Karen Carpenter of the Philippines”.

Kasabayan ni Dela Fuente sa larangan ng pag-awit sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at ang namayapa na rin na si Didith Reyes.

Ito po ang isa sa mga kanta ni Dela Fuente:

Source: Manila Standard

Leave a Reply

Theme by Anders Norén