Local News

Singer Jim Paredes, Sumagot kung may Balak siyang Tumakbo sa 2022!

Matapos ang ilang buwan ay muling nagpakita si Jim Paredes sa publiko sa isang panayam sa kanya ng website na Politiko.

Sa panayam ng Politiko kay Paredes ay ibinahagi ng legendary OPM icon na siya ngayon ay naninirahan sa ibang bansa simula pa noong Abril ng nakaraang taon.

Naging abala parin siya sa pagsusulat ng kanyang mga sariling kanta at nagtuturo din siya ng musika sa mga Australiano.

Ipinagmalaki rin ni Paredes ang aksyon ng bansa na kanyang tinitirhan ngayon kung saan ay naipapaalam daw kagad sa mga taga roon kung may kumakalat na sakit sa kanilang lugar.

Minsan pa nga daw ay ilang araw na ang nakakalipas at walang bagong kaso ng pagkahawa ang naibabalita doon.

Binatikos naman ni Paredes ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas sa mga sandaling ito.

“The problem with us is we acted too little in the beginning and it’s too late, like ‘yung alam naman natin na nanggaling ito sa Wuhan, and we have flights from Wuhan, until about late last year, tapos ‘yung parang napaka casual,” ani Paredes.

“Kapag may nahuling sikat, okay lang pababayaan, pag mahirap na tao grabe ang parusa, e what kind of signal are you sending?” dagdag niya pa.

Naniniwala daw si Paredes na handang makipagtulungan ang publiko at hindi pasaway ang mga tao sa Pilipinas.

“Naniniwala ako na with the proper information, sumusunod tayo, pero ang problema nga hindi consistent,” sabi niya.

Sinagot din ni Paredes kung papasok narin ba siya sa politika sa susunod na eleksyon.

“Wala akong plano, I’m an artist, if I serve at all… I don’t know in what capacity, I’ll give it a few at most maybe two.. I can’t even see myself lasting that long, but you know if its service to the nation, it’s just gonna be a very humble service,” sagot niya.

“I don’t need any more fame, honestly, kaya gustong gusto ko dito, sasakay ako ng tren, ng bus walang nakakakilala sakin, naka tsinelas lang ako, biro mo?” dagdag niya.

“Who is Jim Paredes here [in Australia]”

Nangako naman na babalik si Paredes sa Pilipinas kapag maayos na ang sitwasyon sa bansa.

May mensahe rin si Jim Paredes sa publiko.

“We deserve beter,” sabi niya.

Matatandaan na naging kontrobersiyal noon si Paredes sa pagkalat ng isang pribado niyang video.

Source: Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén