Local News

“Sinisira Mo ang Bansa Natin” Robredo sa Kampo ni Marcos!

“Ito ang nakakalungkot kasi ‘di na lang ito between us, ‘yung laban ‘di lang Marcos vs Robredo, pero ‘pag sinira mo ang democratic institutions, ‘yung sinisira mo yung bansa natin.”

Ganito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo, patungkol sa umano’y hindi pagtanggap ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkatalo nito noong Halalan 2016.

Dagdag pa ni Robredo, dito raw makikita kung paanong may hindi magandang naidudulot ang paghahangad ng isang pulitiko na makuha ang kanyang nais.

“Sa’kin, hindi lang ito simpleng pagsisinungaling. Nakita natin kung papano yung ambition ng isang tao, ng isang pulitiko para makuha niya lang yung kaniyang inaasam ay sisirain niya yung mga institution,” saad ni Robredo.

“Yung kanyang propaganda na siya ay dinaya, may mga taong napapaniwala niya, kasalanan niya ito sa kanila,” saad pa ng Pangalawang Pangulo.

Patuloy pa ng Bise Presidente, apektado rin umano ang mga tao sa kanilang lugar sa Naga City, Camarines Sur sa gitna ng mga isyung ipinupukol sa kampo niya.

“Dito naman sa’min, wala namang duda na hindi ako nandaya sa eleksyon kasi napakatagal na namin sa pulitika, alam ng mga tao dito na una, wala kaming capability mandaya; pangalawa, kahit may capability kami, mandaya hindi namin gagawin,” saad ni Robredo.

“Kaya sa’min, parang ang pakiramdam ng mga tao dito sa’min, laban din nila yun kasi nasasaktan sila na pinagdududahan ako. S’yempre, yung iba kasi napapaniwala nila eh, yung ibang di nakakakilala sa’tin, napapaniwala nila. Kaya dito, masaya ang mga tao na vindicated tayo,” pagpapatuloy pa ng Pangalawang Pangulo.

Matatandaang kamakailan lamang ay humihingi ang kampo ni Marcos ng klarpikasyon mula sa Presidential Electoral Tribunal sa nangyaring dismissal ng kanyang poll protest.

Ayon sa kampo ni Marcos, hindi pa umano tapos ang kanilang laban.

“Maging ano pa man ang desisyon na ito, haharapin po namin. Subalit, hindi ibig sabihin nito na yuyuko po kami. Itutuloy po namin ang aming laban all the way hanggang 2022,” saad ng spokesperson ni Marcos na si Vic Rodriguez.

“Ang inaantay na lang namin, ano ba yung naging desisyon? Ano ba naging rationale or reasoning of probably the individual justices who voted for its unanimous dismissal, kung ano yung mga ebidensya,” dagdag pa ng kampo ni Marcos.

Source:
ABS-CBN News
ABS-CBN News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén