Local News

Sinungaling ba si Leni? Robredo, Supalpal sa Resbak ng Foreign News Agency!

Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang negatibong pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot. Magugunita na sa ilang headlines ng mainstream media, mababasa na sinabi ni Leni na dapat na raw ihinto ang war on drugs ng gobyerno dahil hindi naman daw ito gumagana.

“We ask ourselves, ‘why is this still happening?’. The president has already made very serious threats to drug syndicates, to drug lords … and yet it’s still very prevalent, so obviously, it’s not working,” patutsada pa ni Robredo.

Pero matapos magsalita ang ilang opisyal at ahensiya ng gobyerno laban sa naging pahayag ni Leni ay bigla itong kumambyo.

Ayon kay Robredo, wala daw siyang sinabi na ihinto ang drug war kundi ibahin lang daw ang istratehiya sa paglaban sa ipinagbabawal na droga.

“Kapag tiningnan mo iyong interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba iyong strategy na ginagamit. Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. ‘Di ba… ang gustong sabihin ng “tweak,” himasin, o ibahin nang kaunti,” palusot ni Robredo.

Ang sinabi na ito ni Leni ay hindi pinalampas ng Reuters at naglabas sila ng kanilang pahayag tungkol sa balita na kanilang inilathala. Ayon sa foreign news organization, walang pagkiling ang istorya na kanilang inilabas noong ika-23 ng Oktubre at pinaninindiganan daw nila ito.

“Reuters fairly and accurately represented the statement of Philippine vice president Leni Robredo, and we stand by our story published on 23 October,” sabi ni Tyler Thia, Communications Manager ng Asia Pacific Division ng Reuters.

Kahapon ay hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leni na pangunahan ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

“I am sending a letter to her through ES Medialdea. I will surrender my powers to enforce the law, ibigay ko sa Vice President. Ibigay ko sa kanya mga six months. Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige. Ikaw. Subukan mo,” hamon ni Pangulong Duterte.

Ito po ang “not to continue” interview ni Leni.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: