Local News

Pagsipa sa Makabayan Bloc Paalis ng Kongreso, Nirekomenda na ng AFP

Sa isang panayam sa radyo, ibinunyag ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay na kinukunsidera na ng militar ang paghahain ng kaso laban sa mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso. Ito ay dahil sa pagtulong umano nito sa recruitmenr ng New People’s Army (NPA). Inirekomenda din ni Gapay sa kamara na sipain na ang makakaliwang kongresista sa kanilang hanay.

Ang nasabing bloke ay kinabibilangan nina Bayan Muna Representative Carlos Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite; Arlene Brosas ng Gabriela; Sarah Elago ng Kabataan; at ni France Castro ng ACT Teachers

“We will now pursue the legal track on this matter. Because there is a need for them to be charged… We also have those who have surrendered to us and we captured their narration of events. All of these are solid evidence [and proves] that they are denial kings and queens… we have legal processes and we will go by that. We will have to strengthen our case further against these organizations and personalities,” sabi ni Gapay.

Magugunita na may hiwalay na aksyon na kinakasa din si National Security Adviser Hermogenes Esperon laban sa mga makakaliwang kongresista. Sa ilang ulat, sinabi ni Esperon na gusto nilang ipa-disqualify sa Commission on Election ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

“That is an option. It may not be us, it might be the citizenry themselves, or groups that think they should not become part of this party-list system… They are not doing anything illegal in Congress. They are not. But there are underground organizations that they— whether wittingly or unwittingly— support, that are connected with Communist Party of the Philippines, and the New People’s Army, and the underground National Democratic Front… There’s a very thin line between a legal organization with good advocacies and that of the organization which is providing manpower and even logistics and even support, other kinds of support to the NPA,” ani Esperon.

Source: Manila Times | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén