Local News

‘Sisipain ko ‘Pag Nanood kayo ng Palabas ko!’ Coco Martin, Nagbanta sa mga Bashers ng ABS-CBN

Wala na talagang paaawat sa pagtatanggol ni COco Martin sa ABS-CBN matapos itong ipasara ng National Telecommunication Commission (NTC) dahil sa pagkapaso ng prangkisa.

Kung dati ay hindi pinapansin ni Martin ang mga bashers ng Kapamilya Network, ngayon ay todo patol na ito. Para kay Martin, masarap daw ang pakiramdam ng pumapatol sa mga kritiko.

“NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG SARAP PALA SA PAKIRAMDAM YUNG NALALABAS MO YUNG MGA NASA SA LOOB MO YUNG WALA KANG KINATATAKUTAN AT PINANGINGILAGANKAYA PALA MASAYANG MASAYA YUNG MGA BASHERS AT TROLLS SA GINAGAWA NILA E!… KC TAYONG MGA ARTISTA WALANG MAGAWA KAPAG NILAIT NILA KAPAG KINUTYA NILA DI TAYO MAKAPALAG, NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!!… SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!! SA LAHAT NG MGA BASHERS NAMIN LIBRE LAIT WALANG MAG BABASA,” patutsada ni Martin.

Sasaktan din daw niya ang bashers ng Kapamilya Network ‘pag nanood ang mga ito ng kanyang programa na “Ang Probinsyano”.

“Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!!! “Baka pag balik namin sasabihin ng mga Bushers namin miss na miss nyo kami at makikipila kayo sa showtime para manood ng live at sumali sa contest. Try nyo manood ng Probinsyano sisipain ko muka nyo!!!,” boladas pa ng aktor.

Bago ang nasabing social media post ay naglabas na ng sama ng loob si Martin laban sa mga opisyales ng gobyerno.

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!” sabi ni Martin.

Source: Inquirer Bandera | Archive | Coco Martin’s Instagram Account | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: