Local News

‘Sisirain mo lang ang gobyerno’ PDU30, Niresbakan si Leni!

Sa kanyang public address kahapon, pinasaringan ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno patungkol sa tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

“Paanong magkakakumpiyansa kung sa tuwing magpe-presscon ang liderato ay walang linaw na mahinuha.

Hindi mahirap unawain ang sentimiyento ng marami: Na para bang walang timon, walang direksyon, walang malinaw na horizon kung kailan at paano masosolusyunan ang pandemya,”
patutsada ni Leni.

Hindi naman pinalampas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga boladas ni Robredo. Sa kanyang sariling public address, sinabi ni Pangulong Duterte na sisirain lang daw ni Robredo ang pamahalaan dahil sa panggagatong nito sa sitwasyon.

“At ito namang kay Leni, that in her ending statement said that kung hindi ko daw gawain, ng gobyerno, gagawain ng tao. Well, sa panahon itong pandemic medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan ninyo ng mga ganoon na wala naman kayong base, sana may ipakita kayo.

Please do not add fuel to the fire. You will just destroy government. Huwag ninyong — huwag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. ‘Pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayo lahat. Maski na sabihin pa ninyo mamatay ako bukas, it cannot — it cannot solve the problem of the country,” sabi ni Pangulong Duterte

Source: News5 | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén