Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Siya ay isa lamang Human Rights Worker’ – Karapatan

Nitong nagdaang mga araw naging laman ng balita si Alexandra Pacalda. Ayon sa ilang ulat, si Pacalda daw ay isang aktibisita na kalaunan ay naging miyembro ng armadong grupo ng komunista na New People’s Army (NPA). Sumuko si Pacalda sa kasundaluhan at gusto na raw mamuhay ng normal. Base sa affidavit ni Pacalda na inilabas ng kasundaluhan, kusang loob daw na sumuko si Pacalda at hindi pinuwersa.

Pero ayon sa grupong Karapatan, isang human rights organization, si Pacalda daw ay inaresto ng walang warrant at isinailalim umano sa pagpapahirap. Giit pa ng grupo, si Pacalda daw ay isa lamang “human rights worker”.

“Alexandrea Pacalda, 23, was a human rights worker of Karapatan. She is currently affiliated with Pinag-isang Lakas ng Magsasaka sa Quezon (PIGLAS-Quezon), a local peasant organization in the region. She was abducted by elements of the military and she continues to be under military custody. She was arrested without a warrant and continues to be under detention for five days now… Alexandrea Pacalda signed the affidavit of voluntary surrender while under duress. In a signed statement to her lawyer, the victim said that she was subjected to mental torture, and was merely forced to sign the affidavit. She added that she was not allowed to sleep and was starved for 24-30 hours… This is the devious maneuvers of the military. We reiterate that this is a case of forced surrender. Using its machinery and resources, the military tries to break down the spirit of activists like Alexa,” sabi sa website ng Karapatan

Kasabay ng pahayag ng Karapatan ay ang pagsulpot ng mga litrato sa social media kung saan makikita si Pacalda na may hawak na armas.

Sa isang video na kumakalat ngayon, makikita si Pacalda na nagsasalita sa harap ng ilang indibiduwal na may hawak na mga baril.

Source: PNA | Inquirer | Karapatan

Leave a Reply

Theme by Anders Norén