Local News

Kasalanan ng Biktima? Suspek sa Pamamaril sa Pares Vendor, Sinisi pa ang Biniktima niya!

Imbes na maging mapagkumbaba dahil sa kasalanan na nagawa, ibinaling pa ni Alexander Ogdamina ang sisi sa biniktima niyang pares-mami vendor.

Naging laman kamakailan sa mga balita ang CCTV footage ng pangho-holdap ni Ogdamina kay Samson Bautista. Ang biktima ay tinamaan sa leeg at maaaring maparalisa. Ayon sa mga duktor na sumuri sa biktima, nadaplisan ang gulugod ni Bautista.

Pero noong naka-usap ng ilang taga-media ang kawatan ay hindi man lang nakitaan ng bahid ng pagsisisi ito. SInabi nito na hindi nagbibirop ang mga holdaper. Umamin pa si Ogdamina na gumagamit siya ng bawal na gamot.

“Baka akala kasi nila mga tulad sa namin nagbibiro kami. Hindi kami nagbibiro… ‘Pag sinabi namin, ginagawa namin ‘yon… Kaunting halaga lang naman ‘yon kung gugustuhin eh, hindi na kailangan mawalan pa ng buhay… Hindi niya ibinigay sa akin yon, makikita niyo naman sa CCTV kung binigay sa akin bago ko siya pinutukan,” banat ng suspek.

Tumnaggi ang suspek na sabihin kung saan niya ginamit ang perang tinangay niya sa kanyang biktima.

Matapos makakuha ng tip ang mga alagad ng batas sa kinaroroonan ng salarin ay naaresto ito bandang alas-7 ng gabi kahapon at agad namang pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa presinto ang kawatan.

Naiyak naman sa galit ang mga kaanak ng biktima nang puntahan nila sa presinto ang suspek. Nakuha sa supek ang baril na ginamit niya sa pangho-holdap. Ayon kay Mayor Isko, tila sanay na ang kawatan at “karne” na lang daw kung ituring nito ang ibang tao.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén