Local News

Snatcher, Hinabol at Binangga ng Nabiktimang Taxi Driver!

Karma ang inabot ng isang kawatan nang banggain ito ng kaniyang nabiktima na taxi driver.

Ayon sa ulat ng GMA News, ginagamit lang daw ng biktima ang kaniyang telephono nang hablutin ito ng riding-in-tandem. Hindi naman nagpatinag ang taxi driver at hinabol ng mga suspek. Binundol ng biktima ang motorsiklo ng mga suspek dahilan para tumilamsik ang mga salarin. Dahil sa nangyaring insidente ay nawarak ang unahang bahagi ng motorsiklo at ang taxi ng biktima.

Hindi na makatayo ang isa sa mga suspek kaya nadatnan ito ng mga medical responder at ng alagad ng batas. Ang kasama naman nito ay nakatakas.

Dahil sa nangyari, may mga inosenteng nadamay.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén