Local News

‘Sobrang Taas’ Singil sa Tubig, Maaring Umakyat ng 780% Porsyento?

Mukhang kailangan ng consumers ng Manila Water Co. Inc na maghanda para sa napakalaking water rate hike. Nagbabala ang kumpanya ng 780 porsyentong pagtaas sa water rates o P26.70 per cubic meter.

Posible daw itong mangyari kung hindi babaligtarin ng Korte Suprema ang ang naging pasya noong Agosto.

“If the concessionaires were to compress into five years as the SC ruling wants what was planned as a 40-year project, the hundreds of billions of pesos required would lead to an increase in the water bill of subscribers, leaving them less money for other necessities and triggering higher inflation,” sabi sa pahayag ng Manila water.

Magugunita na pinatawan ng Korte Suprema ng multang aabot P921 million ang Manila Water dahil umano sa hindi pagsunod sa Clean Water Act.

Iginigiit naman ng Manila Water na snunod nila ang sewerage responsibilities sa naturang batas.

Umalma naman ang ilang kababayan natin sa posibleng napakataas singil na ipapasa sa consumers.

“Pag kukulang nyu yan.kumita na kayu pero di nyu ginawa ang responsibilidad nyu..tapos ipapasa nyu sa taong bayan.mali yun..wala sa kasunduan na ipasa sa consumer ang penalty nyu.nananakot kayu at ginagamit ang media para ma triggered ang tao ng kumampi sa inyo at pigilan ang decision ng SC,” sabi ni Z. Bermal.

“Nasanay sa dating gobyerno ang mga ito lahat ipinapasan sa tao! Kung may paglabag sila sa sa concession contract katulad ng ginawa nila noong nagdaang summer bakit nila ipapasan sa tao iyan, eh neglect o kapabayaan nila iyan kaya dapat panagutan nila. Ang magandang gawin ng gobyerno diyan i-terminate na ang concession agreement ng mga ito sa gobyerno at i subject uli ang tubig sa public ownership. Wala tayong mapapala sa privatization! Nagagatasan tayong nga customers!,” sabi ni L. Bragas.

“Kapag ang consumer ang may palpak tulad ng di pagbayad on time, o kapag may leak, grabe sila mangGipit, para bayaran ng buong buo… paro kapag sila ang may kapalpakan, ipapasa sa consumers ang perwisyo… Hayup!!” sabi ni K. Garello.

Matapos i-report ng ilang mainstream media ang tungkol sa napipinto umanong pagtaas ng singil sa tubig, naglabas ng pahayag ang Manila Water at nilinaw na wala silang sinabing magkakaroon ng pagtaas sa singil sa tubig at wala silang ipapasa sa mga consumers na dagdag singil.

Source: Philippine Star | Philippine News Agency | CNN Philippines| FB | News5

Leave a Reply