Local News

Social Media Account ni DFA Sec. Locsin, Na-lock Matapos Sabihin na Barilin ang Komunista imbes na Kausapin!

Tila puno na si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary sa mga mga boladas ng mga leftist groups.

Sa isang social media post, ipinakita ni Sec. Locin ang pagiging tigasin niya tulad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Para sa kalihim dapat ay huwag nang kausapin ang mga komunista at barilin na lang daw ang mga ito

“These are f**king Communists. You shoot them. You don’t listen to them,” sabi ni DFA Secretary Locsin.

Reaksyon ito ni Secretary Locsin sa isang artikulo kung saan inaalmahan ng leftist group na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang Balikatan sa Mayo.

Ayon sa BAYAN, wala ng rason ang mga Amerikanong Sundalo na manatili sa Pilipinas dahil tinapos na ni Pangulong Duterte ang Visiting Forces Agreement.

Base sa ulat ng Philstar, na-=lock ang social media account ni Sec. Locsin dahil sa naging post nito laban sa grupong BAYAN.

Source: Politiko | Teddy Locsin Jr. | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén