Local News

Solar Power Para sa Bayan Franchise, Pirmado na ni DU30!

Napirmahan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11357 o “An Act Granting Solar Para sa Bayan Corporation a Franchise, etc.” na magbibigay ng permiso sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPSB) na mag-operate. Ang SPSB ay isang renewable energy distribution na kumpanya na pagmamay-ari ng anak ni dating senadora at ngayo’y kongresista na si Loren Legarda.

Ang pagpirma ng Pangulong Duterte sa nasabing batas ay kinumpirma mismo ni Presidential Adviser on Legislative Affairs Secretary Adelino Sitoy sa isang text message.

Nakapaloob sa pinirmahan ng Presidente Duterte na ang SPSB ang magpapagawa at mangangasiwa ng operasyon ng mga solar-powered facilities para mabigyan ng enerhiya ang mga lugar na walang elektrisidad o may kakulangan sa kuryente sa buong bansa.

Nagkasaad sa website ng SPSB na layon ng kumpanya na makapagbigay ng mura, malinis at maaasahang kuryente, bente kuwatro-oras at araw-araw.

Ayon kay Leandro Leviste, may-ari ng SPSB, mabibigyan na ng kompetitison ang electric industry sa bansa.

“We believe consumers should be given new choices for better service at lower cost, especially if it means zero government subsidies and does not prejudice the nonexclusive right of anyone else to offer even better options to consumers,” sabi ni Leviste.

Bago napirmahan ni Pangulong Duterte ang prangkisa ng SPSB, may ilang mambabatas ang tumutol at kumontra dito dahil sa pangamba na maari itong maging “unconstitutional super franchise”.

Nagpaliwanag naman si Leviste at kinontra ang kinababahala ng ilang mambabatas.

“The allegations being thrown are completely false… The bill has always had a non-exclusivity clause in it and inulit na nga sa other parts of the bill… The Constitution itself says no franchise should be exclusive so even if it were, it would be stricken down in courts… There is no legitimate argument against depriving Filipinos of choice,” paliwanag ni Leviste.

Source: Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén