Local News

Sotto-Lacson Tandem, Isinusulong?

Source: MB

Inamin ni Senate President Tito Sotto III na may mga grupong nag-uudyok sa kanila ni Senador Ping Lacson na mag-tandem para sa 2022 national elections.

Ayon kay Sotto, hindi pa siya kumbinsido na tumakbo sa pagka-presidente dahil pinakikiramdaman niya paang sitwasyon.

“May mga kumukumbinsi kasi sa kanya, meron ding mga kumukumbinsi sa akin. Eh hindi pa kami nakukumbinsi… Nakikiramdam pa ako, at pinakikinggan ko pa lahat… Kung nakumbinsi na kami, eh ‘di magsasabi na kami kaya lang mahirap nga kami makumbinsi at this point, kasi nga matindi ang pandemic. Doon muna tayo sa trabaho. Trabaho muna kami ,” sabi ni Sotto.

Magugunita na nitong mga nagdaang buwan ay panay ang patutsada ni Lacson sa mga hakbang ng Duterte Government, lalong-lalo na sa pang-aangkat ng bkuna.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén