Local News

Speaker Cayetano, Rumesbak sa US Ban sa mga Nagpakulong kay De Lima!

“There are judicial remedies. Pero kung ang gagamitin mo ay yung US visa, this is weaponizing,”

Umalma si House Speaker Alan Peter Cayetano sa probisyon ng 2020 United States National Budget kung saan nakasaad ang pag-ban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na may kinalaman sa pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima.

Inilarawan ni House Speaker Cayetano na ginagawang armas umano ang human rights. Maari din daw itong ikabagsak ng sistema ng hudikatura ng ating bansa kung susunod ang mga opisyal ng ating gobyerno sa probisyon ng Amerika.

“This is the best example of weaponizing human rights. Walang problema na ipaglaban natin ang human rights kasi yan talaga ay para sa ating lahat… But look at the implication of that law. Kapag sumunod ang officials natin at pinakawalan, bibigyan tayo ng visa, babagsak naman ang judicial system natin,”

Rumesbak din si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa nasabing travel ban sa mga opisyal ng Philippine Government Officials. Ayon sa kalihim, nagulat at dismayado siya sa nangyari.

“I thought the US wants everyone to observe due process?… As for me, I don’t give a damn s_ _ _ if i’m included in the US list. I’m not the one who has to answer to my conscience,” buwelta naman ni Secretary Guevarra.

“shocked that a foreign government can unduly influence or interfere with another country’s legal and judicial processes by threats of visa cancellations and asset confiscation,” dagdag pa ni Secretary Guevarra.

Si Secretary Guevarra ay hindi kasama sa inisyal na listahan na inilabas ni De Lima ng mga personalidad na may kinalaman umano sa kanyang pagkakakulong.

Magugunita na naglabas si Senadora De Lima ng listahan ng mga diumano’y responsable sa kanyang pagkaka-aresto at pagkakakulong. Ito ay sina President Rodrigo Roa Duterte, Spokesperson Salvador panelo, former House Speaker Pantaleon Alvarez, former Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Solicitor General Jose Valida, Sandra Cam, Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta, Congressman Rey Umali, former congressman Rudy Fariñas, Dante Jimenez. IDinamay din ng senadora ang mga taga-suporta ng Duterte Administration at blogger na sina Mocha Uson, Sass Rogando Sasot at RJ Nieto aka Thinking Pinoy.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén