Local News

Speaker Velasco, Tinangggal sa Pwesto ang Congressman na Tumutol sa ABS-CBN Franchise Renewal!

Hindi nagustuhan ni Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor ang pagtanggal sa kaniya ni House Speaker Lord Allan Velasco bilang public accounts committee chairman. Ayon sa kongresista, walang aiso at bigla na lang siyang inalis sa pwesto.

“SPEAKER LORD VELASCO IS THE WORST… I would not have resisted if he had asked me to give up the position as I have said in the past. Civility and leadership dictate that even as we have differences in the past leadership fight, that we treat each other in a respectable manner,” banat ni Defensor.

Si Defensor ay isa sa mga kongresista na tumutol sa ABS-CBN franchise renewal ngayong taon.

Kamakailan lang ay itinalaga ni Speaker Velasco si Congressman Lito Atienza na deputy speaker. Si Atienza ay isa sa mga mambabatas na todo ang suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN. Magugunita na sinabi pa ni Atienza na muling maibabalik sa ere ang ABS-CBN sa ilalim ng pamumuno ni Velasco.

“I am really confident, justice will prevail by next year.They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, ka uupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibaliknatin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad eh,” kuda ni Atienza.

Ang pahayg na ito ni Atienza ay agad sinualpal ni Congressman Rodante Marcoleta. Si Marcoleta ay isa rin sa mga kongresista na humarang sa prangkisa ng Kapamilya network.

“It’s a long and circuitous process. ABS-CBN has to go through major reforms, starting with a change in management and facilities before they are given new franchise to operate,” ani Congressman Marcoleta.

Source: News5 | News5 | News5 | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: