Local News

‘Summa Cum Laude kayo sa Kabob*han’ Arnell Ignacio, Sinupalpal ang mga Sumisigaw ng ‘OUSTDUTERTE’

Naging usap-usapan kahapon sa social media ang naging pahayag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte laban sa mga leftist groups. Magugunita na matapos ang isinagawang rally na suportado ng KADAMAY , sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapabaril niya sa mga otoridad ang mga manggugulo habang may quarantine. Nilinaw ng Pangulo na ang kanyang mensahe ay para sa mga red o mga makakaliwa.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banta ni Pangulong Duterte sa mga leftists.

Ngayon ay ginagamit ito ng ilang personalidad at grupo para ipanawagan ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Ang boladas ng mga kritiko ng administrasyon ay pinalagan ng dating opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio.

“Ano ba ang speech niya pinagpuputok ng butchi niyo? Ano bang ina-address niya? Una ang ina-address niya, ilang beses niya sinabi,’kayong mga left, kayong makakaliwa’, kasi nga nagsisimula ng manggulo ang KADAMAY… Ano ang gustong niyong gawin ng law enforcers kung may nanggugulo? ‘Parang come here baby’ Loko-loko pala kayo… Magkatapatan tayo, ang mga Pilipino ba madaling pasunurin? Simpleng traffic lang, ang hirap pasunurin. Ayaw niyo pa na kilusan ng todo ng mga enforcers natin?” resbak ni Ignacio.

Ayon pa sa dating opisyal ng OWWA, naawa na raw siya sa kalagayan ng Pangulo.

“Sa panahong ganito. ‘yan pa ang maiisip ninyo? Where are you coming from? Ang hirap tulungan ng mga Pilipino. Kaya si Presidente ang sarap hatakin at hayaan na lang ang mga iyan. Baka ikaw pa batukan ‘nun eh dahil mahal niya ang Pilipino,” sabi ni Ignacio.

Source: DA Arnell OWWA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: