Local News

Sundalo, Pinatay, Ninakawan at Dinukot pa ang Mata ng mga Alleged NPA!

Kalunos-luno ang sinapit ng isang kawal ng bayan mula sa kamay ng mga kawatan na New people’s Army (NPA).

Ninakawan na kasi si Private Firstclass Ariel Maca at pinatay pa ng mga hinihinalang rebeldeng komunista. Hindi pa nakuntento ang mga bandido at dinukot pa ang mata ng sundalo.

Ayon sa ulat, kakautang pa lang daw ng biktima ng 50,000. Pero noong nagtagpuan ang bangkay nito ay wala na ang pitaka ng sundalo pati ang service firearm nito.

Pinaniniwalaan ng militar na pinahirapan pa muna ang sundalo bago pinaslang.

Nangyari ang karuma-dumal na krimen sa Surigao De Sur.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: