Local News

Supporters ng mga Talunang Kandidato, Sapul sa Banat ni Pacquiao!

Tila nasapul sa komento ni Senador Manny Pacquiao ang mga talunang kanidadato at mga taga-suporta ng mga ito.

“Ang problema dito sa atin, hindi lang talaga natin kayang tanggapin na natatalo tayo. Ganun talaga e, sa larangan ng pulitika o sports man, may talo talaga at may panalo. Kapag talo ka dapat tanggapin mo,” pahayag ni Pacquiao sa isang presscon.

Ayon pa kay Pacquiao, siya man din daw ay dumaan sa kabiguan pero imbes na mag-reklamo ay tinanggap niya ang hatol ng mga tao.

“Ako man dumaan ako sa pagkatalo, tinanggap ko, ‘yun ang desisyon ng taumbayan e,” sabi pa ni Pacquiao.

Sa limang pambato ng PDP-LABAN, apat sa mga ito ang nakapasok sa top 12. Ito ay sina Ex-PNP Chief Ronald “bato” Dela Rosa, Francis Tolentino, ex-SAP Bong Go at Senador Koko Pimentel. Ayon sa partial and unofficial tally nf COmmission on Election, nasa ika-19 na puwesto si Dong Mangudadatu.

Naniniwala din daw si Pacquiao sa kredibilidad ng katatapos na eleksyon.

“Tanggapin na lang nila kung ano ang desisyon ng taumbayan. Siguro me plano ang Panginoon sa kanila, na hindi ito ang time nila… Of course we still believe in the capability of Comelec, kaya naman nila, kaya nilang patakbuhin hindi lang talaga nila ma-control ang mga nasirang machines sa dami ng taong bumoboto. Bago naman gamitin ‘yan may testing na ginagawa at gumagana naman… Walang tayong nakikitang dayaan dito, pinili ng taumbayan ‘yan. I believe in the result,” dagdag pa ni Pacquiao.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply