Local News

Supporters ni Leni, Nagtayo ng Altar sa Gitna ng Kalye para sa Initial Recount Result!

Sa pagpapatuloy ng paghihintay sa inaabangang resulta ng initial count ng vice presidential election protest, sari-saring paandar ang pinaggagawa ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo. Naglagay ng altar sa gitna ng kalsada ang mga tagasuporta ni Robredo. Hindi lang altar, nagtayo din sila ng tent para sa kailang vigil na sinimulan pa kagabi.

Nagpakita rin ng pwersa ang mga taga-suporta ni former seantor Boongbong Marcos.

Ang tribunal reset deliberations ay nakatakda ngayong araw matapos ang dalawang beses na pagkakaantala.

Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, kailangan maging maingat sa pagdedesisyon sa kaso dahil nakataya daw sa pagpasya ang kredibilidad ng proseso at ng political system. Sinabi nakaraan din ni Bersamin na himndi maaaring madaya ang recount.

“Don’t worry, ‘di ko niluluto, ‘di pwede lutuin ‘yan… I know that everybody is so keen, expecting some announcements… but you know the banc is very deliberate about serious matters. This is a matter of national impact, so that is all I can share with you,” saad ni Chief Justice Bersamin.

Basahina ng reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa ginawang paandar ng mga sumusuporta kay Leni.

“I am a Catholic but I am not favor in using sacred images for this event.. “Give to Caesar what is due to Caesar and to Give to God what is due to God,” Mk. 12:17. Kaya kung ano man ang hatol ng Korte Suprema irespeto nalang natin,” sabi ni V. Lapaz.

“Ayan na… Naglatag na ng rebulto. Nawawala ang kasagraduhan ng imahen ng Birheng Maria dahil sa kagag*han ng mga panatiko na to,” sabi ni B. Banal.

” Kung tinulong nyo yan sa mga gawaing bahay nyo matutuwa pa mga pamilya nyo o di kaya maghanap buhay ng marangal kaysa mag rally. At the end of the day kung kanino man papabor ang desisyon ganun pa din mga buhay nyo kung ndi kayo magsusumikap. 😉,” sabi ni F. Iko.

Source: GMA News | GMA News| GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: