Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

“SURPRISE WIN” sa Otso Diretso Senatoriables, Posible Mangyari ayon kay Kiko!

Hindi pa rin nasisiraan ng pag-asa si opposition senator at Otso Diretso campaign manager Francis “Kiko” Pangilinan kahit nangungulelat ang pambato ng oposisyon sa mga pre-election survey. Ayon kay Pangilinan, hindi pa daw tapos ang boxing at ang pinakamahalang survey daw ay ang mismong araw ng halalan.

“Sabi nga nila ang pinakamahalagang survey, ay ‘yung araw ng halalan. At sa aking labing-walong taon bilang senador… nakita natin, may mga pangyayari na sa huling dalawang linggo ng eleksyon, ‘yung mga nasa labas ng top 12 pagdating ng araw ng halalan ay ‘come from behind’ ika nga at naipapanalo nila,” sabi ni Pangilinan.

Naniniwala si Kiko na sa huli ang mga botante ay pipili ng tuwid na kandidato at itataboy ang mga tiwali at hindi tapat.

“Naniniwala tayo na sa huling banda, ang ating mga kababayan, ayaw nila ng mga kawatan, ayaw nila ng tiwali, gusto nila ng mga honest at tapat at totoong mga kandidato at iyan ang ipinaglalaban natin at sana marinig ng ating mga kababayan ang ating panawagan,” ayon sa senador.

Sa mga surveys, halos mga pro-administration candidates ang napapasama at mangilanngilan lang sa oposisyon ang nasingit.

Magugunitang noong halalan 2016 ay nangunguna si former senator Bongbong Marcos sa mga surveys para sa pagka-bise presidente, pero noong araw mismo ng eleksyon ay naungusan ito ni Leni Robredo. Ayon kay Marcos, nadaya umano siya ni Leni. Ngayon ay dinidinig ang protesta ni Marcos laban kay Robredo sa Presidential Electoral Tribunal.

Source: GMA | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén