Local News

‘Susko! Kadiri!’ DJ Chacha, Nilait-lait si Cong. Marcoleta na Nagsiwalat sa Baho ng ABS-CBN!

Imbes na sagutin isa-isa ang mga isiniwalat ni Congressman Rodante Marcoleta laban sa ABS-CBN sa kongreso, lait ang naging tugon ni Czarina Balba aka DJ Chacha sa mambabatas.

Magugunita na nitong ika-26 ng Mayo ay idnetalye ni Congressman Marcoleta ang mga kasalanan ang ABS-CBN mula sa paglabag sa labor law hanggang ginawagawang pangingialam ng istasyon sa politika. Pati ang ginagawang pamamaraan ng Kapamilya network para mapababa ng lubos ang kanilang buwis sa pamamagitan ng tax shield ay napuna ng kongresista.

Sa kanyang social media account, tinawa niDJ Chacha na Kadiri ang naging pagsisiwalat ni Congressman Marcoleta.

“Ano ba to’ school presentation? Susko! Kadiri. Ganito pinapasweldo ng tax natin?” boladas ni DJ Chacha.

Pinagkatuwaan din ni DJ Chacha ang paraan ng pagsasalita ni COngressman marcoleta.

“Si Marcoleta, naalala ko yung Tito kong pag lasing na kung anu-ano tinatalak makapagpa-bida lang,” dagdag pa ng disc jockey.

Si Dj Chacha ay may programa sa istasyong MOR 101.9 na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Source: Twitter | Twitter | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: