Local News

Suspek na Pumatay kay Jang Lucero, Arestado na!

Ikinakasa na ng CALABARZON Philippine National Police (PNP) ang asuntong ihahain laban sa itinuturong salarin sa pagpatay kay Robyn Jang Lucero. Si Lucero ang driver for hire na walang awang sinasak at iniwan sa loob ng kaniyang sasakyan sa may Calambay City, Laguna noong Hunyo 28.

Kinilala ang suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino. Ang salarin ay naaresto na ng mga tauhan ng Investigation at Intellegence Unit ng Calamba City Police Station noong pang Hulyo 3 sa bisa ng warrant of arrest ng Korte dahil sa kasong murder. Kasalukuyang na sa kustodiya na ng Calamba City Police Station si Belarmino.

Base sa pahayag ni Calabarzon Regional Police Spokesman P/Capt. Mary Anne Torres, itinuro ng isang testigo si Belarmino sa tulong na rin ng CCTV footage.

TInutugis na rin ng mga kapulisan ang mga kasabwat sa krimen ni Belarmino.

Source: DWIZ | PTV | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: