Local News

Suspek sa ‘Bikoy’ Videos, Bigyan dapat ng Due Process – Otso Diretso Candidate

Para kay Otso Diretso senatorial candidate Chel Diokno, dapat daw mabigyan ng due process si Rodel Jayme, ang taong itinuturong nasa likod ng pagpapakalat ng video series na “Ang Totoong Narco List”. Ang naturang video series ay paninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inaakusahan sa naturang video ang mga kaanak ng Pangulo na tumatanggap umano ng pera mula sa kalakaran ng droga.

“Kahit sino naman na aarestuhin ng ating pamahalaan ay talagang may karapatan at sana naman kahit sino man ‘yun ay igalang ang karapatan ng sinasabi nilang hinuli nila… Bigyan [dapat] siya ng inquest at mga normal na proseso ng nasa batas natin,” sabi ni Diokno.

Sa pamamagitang ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, natuklasan na si Jayme ang may-ari ng website na Metrobalita na unang nag-share ng mapanirang video.

Magugunita na iniugnay ng MalacaƱang ang “Bikoy” videos sa planong destabilisasyon laban sa Duterte GOvernment. Ilang media organizations din daw ang konektado sa pagpapakalat sa malisyosong video.

Base sa mga larawan na kumalat sa social media, si Jayme ay masugid na sumusuporta sa Liberal Party.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén