Local News

Suspensyon ng Eskwela hanggang December para Labanan ng Husto ang COVID-19 ayon sa UP Professor

Ayon sa guro sa University of the Philippines (UP) Resilience Institute na si Professor Mahar Lagmay, makakatulong daw ng husto sa paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (covid-19) kung kakanselahin ang mga klase sa paaralan hanggang Disyembre ngayong taon. Sa pamamagitan daw kasi nito ay mababawasan ang pakikihalubilo ng mga kabataan sa isa’t-isa at ito raw ang magiging daan para bumagal ang paglaganap ng sakit.

“Kapag walang klase hanggang December ay malaki po ang mababawas natin sa transmission ng COVID-19… Ito po ay isa sa mga rekomendasyon na binigay doon sa COVID-19,” sabi ni Professo Lagmay sa isinagawang Palace virtual press briefing.

Magugunita na sinuspinde na ng gobyerno ang lahat ng aktibidad sa mga paaralan simula nong Marso bilang hakbang sa paglaban sa covid-19.

Tinitignan naman ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na gawin ang balik-eskwela sa Agosto. Pero nilinaw ni DepEd Secretary Leonor Briones na magkakaroon ng impluwensiya ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases (IATF

“Kung ano man ang rekomendasyon ng IATF at desisyon ng presidente… may influence ito kung kailan magbukas ang klase,” sabi ngkalihim ng DepEd.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa mahigit 6,000 ang kumpirmadong kaso ng covid-1 sa Pilipinas. 613 sa mga ito ang gumaling na habang ang 428 naman ay nasawi.

Simula nang sunod-sunod na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng covid-19 noong umpisa ng Marso, gumawa na ng ilang halbang ang gobyerno para malabanan ang pagkalatng sakit. Ilan dito ang pagpapatupad ng enhance community quarantine sa Metro Manila na kalauna’y isinama na ang buong isla ng Luzon. Layon ng quarantine na mahigpitan ang galaw ng mga tao.

Nagbigay na rin ang pamahalaan ng ayuda sa mga kababayan nating mahihirap na lubos na apektado ng covid-19. Ang tulong ang pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: