Local News

‘T*** ina nila talaga!’ Angelica Panganiban, Minura ang mga ABS-CBN Bashers!

Hindi na nagpa-awat ang mga Kapamilya stars sa mga kababayan natin na natutuwa sa pagpapatigil ng National Telecommunication COmmission (NTC) sa ABS-CBN na mag-broadcast.

Isa sa mga bumanat sa mga bashers ng ABS-CBN ay si Angelica Pangniban.

“T*** talaga nila. Putangina nila,” banat ng aktres.

Ito ang tugon niya sa social media post ng kapwa niya Kapamilya talent na si Zanjoe Marudo.

Nauuna kasing nagmura si Marudo sa mga netizen na nagagalak sa pagpapahinto ng operasyon ng ABS-CBN.

“Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!… Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang-tuwa na isinara ang ABS… Ano ba yan, lahat kailangan word for word… Napakasimpleng salita, hindi maintindihan. Haaayy Pilipinas kong mahal,” boladas ni Marudo.

Nito lang nakaraang mga araw ay nagsalita na rin si Panganiban laban sa gobyerno.

“Nasaan na ang mass testing? Mabalik tayo. Nililihis niyo kami. Mass testing, press freedon, vaccine, ayuda, pakiusap” ani Panganiban.

Hindi lang si Panganiban at Marudo ang umaalma sa pagpapasarado sa ABS-CBN, Pati ang pinakamalaking talent ng ABS-CBN sa kasalukuyan na si Coco Martin ay umangal din sa naging desisyon ng NTC. Sa isang video rant, pinasaringan din ni Coco si Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako… Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” sabi ni Coco.

Source: PEP | Inquirer | Archive | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: