Local News

“Taga-Mindanao na Hindi DU30 Supporter ang Tulungan at Ipinalangin” – Ex-PR Handler ni Leni

Hindi pa tapos ang mga masasakit na salitang pinapakawalan ng dating humawak sa advertising campaigns ni Vice President Leni Robredo na si Yoly Villanueva-Ong.

Kamakailan lang sa kanyang social media account ay sinabi ni Ong na gusto na raw lamunin ng lupa ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang post niya na ito ay kanyang inilathala sa twitter habang kasagsagan ng mga lindol at aftershocks sa Mindanao.

Binuweltahan din ni Ong ang Pangulo. Patutsada ni Ong, dapat na daw maghanda ni Pangulong Duterte para sa kabilang buhay.

“DDS: Davao Disaster Survivors. Hindi pa ba niyo ma-gets? Gusto na kayo lamunin ng lupa. Magdasal na kayo at humingi ng patawad. Quiboloy can’t stop earthquakes. He can only stop Kappa. Duts should seriously prepare for the afterlife. It’s getting hot, hotter, hottest,” sabi ni Ong.

Ngayong araw ay nagpost na naman si Ong sa social media at pinatamaan muli ang mga taga-suporta ni Pangulong Duterte. Banat niya naman ngayon ay tulungan ang mga taga-Mindanao na hindi sumusuporta sa Presidente.

“The Mindanaoans who are not DDS need all the help and prayers. Choose the relief orgns that you can trust not to steal your contribution. Bangon mabubuting tao ng Mindanao,” boladas ni Ong.

“The full brunt of the well-oiled DDS has been mobilized to attack.
Every curse, insult, threat is a blessing in disguise. The msg must have hit home. INSIGHT: EVEN THE MOST EVIL FEAR KARMA. Thx tweeter for the hack alert. Thx friends for 🙏. God is watching. Faith is strong,”
patutstada pa ni Ong sa hiwalay na Twitter post.

Si Ong ay isang advertising executive. Isa si Ong sa mga pinangalanan ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula na kasama umano sa mga taong nagplano ng black propaganda videos laban sa Pamilya Duterte noong nakaraang eleksyon.

Dahil sa pinagsasabi ni Ong, ilang taga-suporta ni Pangulong Duterte ang pumalag sa kanya. Isa dito ay ang radio host at Manila Bulletin Columnist RJ Nieto o mas kilala sa tawag na “Thinking Pinoy”.

“You just don’t gloat over the misfortune of victims of natural disasters, period. I hope the brands, who currently rely on her company for PR, replace her. She tried to do some PR damage control by adding some nuance to her original tweet, saying she was referring only to rabid Duterte followers. But Surely, if God wanted to kill rabid dutertards, he will be wise and powerful enough not to cause any collateral damage… I googled mainstream news articles about Ong’s infamous tweet and I saw only one editorial from SunStar Cebu and nothing else,” sabi ni Nieto.

Hindi rin pinalampas ng abogadong si Attorney Trixie Cruz-Angeles ang mga kabalbalang pinagsasabi ni Ong.

“Haaay. Mali ito. Wag tularan. Parang Yolanda lang nuon nung kumalat ang balita na tinatanong pa daw kung sino binoto ng mga biktima bago bigyan ng relief goods. O kailangan nasa voters list yung mga bibigyan ng tubig at pagkain. Kapag calamity, can we set aside yung durugan tunkol sa politika? Also wag ilusyunado/ilusyonada. Komo ba at binatikos ka bunga ng kawalang modong post eh mobilized and organized na DDS attack? Di ba pwedeng youre an assh*le and everyone just wants to point it out?” ani Attorney Trixie.

Source: Twitter | Josiah Go | Thinking Pinoy | Luminous | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén